Avengers USB
Gusto ko nito…lalo na yung ke Iron Man
THRILLA in NAIA
eh mas maaksyon pa ang suntukang eto kesa sa Cotto - Mayweather fight kahapon eh…..
hndi magandang halimbawa sa mga anak na nakikita nilang nakikipagbasag ulo ang kanilang mga magulang…QUE HORROR!!!!
Taiwan nakikiangkin sa Scarborough Shoal at Spratlys
Ang OA huh! Nakikisali pa sa agawan…..sana naman tong Taiwan eh bago makipag-agawan eh ipaglaban muna nila ang sarili nilang bansa, as far as I know eh itinuturing lng ng China ang Taiwan na isa sa probinsya nila…sa madali’t sabi, inaangkin din ng China ang buong Taiwan……
Lahat n lng hinakot ni Madam Ina Montecillo….heheheh
hooooong gondo ng ABS-CBN Summer Station ID, parang gusto kong maki-fiesta buong summer…..love it! #worldclass
“Pinoy Summer, Da Best Forever”
No to Parking, Yes to Pine Trees
Trending ngayon ang #SaveBaguioPineTrees, dahil sa pagpapaputol ng SM Baguio Management at ni Henry Sy sa mga pines trees sa Baguio para gawing Parking lot.
Ewan ko ba, anung essence ng pagpuputol ng puno para sa Parking lot…eh para namang dinadayo ang SM Baguio ng maraming customers para magpatayo sila ng parking lot chenes na yan…..marami talagang tumutuligsa jan, isa na ako dun…grabe naman si Henry Sy, di bale ng makasira ng kalikasan basta kumita lang….antayin mong gumanti ang kalikasan, malandslidan yang SM Baguio mo…..
DFA : A Fixer’s Scam Story
observe…..be calm…..and be alert..yan ang naging sandata ko kanina para matakasan ko yung mga fixers na yun sa DFA…
I went to DFA knina para magpaauthenticate ng document ng kapatid ko….first time kong gagawin ung magpapaauthenticate kaya mejo hndi ko pa alam ang mga lugar na pupuntahan ko sa loob ng DFA…good thing is may idea na ako sa mga requirement at sa processing fee.
Bago ako umalis ng bahay tinanong ko tita ko panu pumunta ng DFA, para marefresh lng ako dahil 5 years na nakalipas nung huli kong punta dun. Ang alam ko kasi sa baba ng MRT Taft Station may mga jeep dun pa-DFA. Ang sabi ni tita meron daw sakayan sa may MOA, so nagtaka ako, parang ang layo naman ata, so hndi ko n lng pinansin ang sinabi nya. nagMRT ako hanggang Taft station…pagbaba ko nagtanong ako sa isang vendor dun kung saan ang sakayan pa-DFA…ang sagot saken ” ma’m aling pong DFA, ung luma o bago?” bgla akong mejo nagpanic, ang tumakbo sa isip ko, “syet! may bagong DFA? hala!”..ang naisagot ko na lng sa manong, san po ba ung nagpapa-authenticate ng mga documents. “ay sa luma po un ma” sabay turo kung san banda ang sakayan ng jeep. Habang sa jeep, narealized ko, so kaya pla may sinasabi ang tita ko na may sakayan sa MOA, at kaya pla may nabasa ako sa website ng DFA na “Aseana” dun cguro yun.
at eto n nga ang highlights ng kwento :
pagbaba ko sa may kanto malapit sa may DFA, may mama akong kasabay maglakad, sabi saken, papa-passport ka rin ma’am? well, alangan naman hndi ko sagutin ung manong, sabi ko hndi po, red ribbon lng po…sabay sabi nya, “ay eto oh, sumabay ka na dito, papaauthenticate din daw xa ” sabay turo sa isang lalaki. Yung lalaki naman sabi cge ma’am sabay ka na saken, dun daw kasi sa bagong DFA ginagawa yun eh” so ako naman naging instant uto-uto kasi nga dahil sa “new/old DFA” na nalaman ko na yan…Habang naglalakad, super chika si manong, sabi nya maglalakad din daw xa ng papers, pinaLBC na nga daw nya ung birth certificate nya eh (pero nung nakita ko ung airvelope ng LBC nya, mukhang mapusyaw na un kulay) tas mega chika pa rin si manong, sa paraan ng pagsasalita nya hndi sya common applicant eh…hassler kumbaga, nakahalata na ako, “ay echos to” sabi ko n lng sa sarili ko. tas nagsabi pa xa na ang fee daw ay 700 tas 15days tas doble bayad pag rush. (buti n lng may idea ako kung magkano talaga yung processing fee, which is 100 at 200 pag rush, kaya lalo pa akong naghinala na echos talaga si manong” . hanggang dinala nya ako sa isang napaka-chakang opisina, “ha? new DFA ba’to” naisip ko agad. dahil ang chaka nga nmn nung opis, tas 3 tables tas 2 nakaupo na babae kada table, may mga ibang applikante din doon. may nilapitan si kuya, dahil nga ang sabi nya saken nung una ay “magpapa-authenticate” nga rin daw xa, sabi ko sa knya, mauna ka na kuya (pero nag-iisip nq nun ng paraan para umalis) sa madaling sabi, hndi umupo si kuya at ako ang pinauna…eto ang conversation namen ng babae sa table :
GIRL : ano papagawa nyo ma’am?
ME : papared ribbon po.
GIRL : ng ano?
ME : marriage certificate
GIRL : ilan yan? patingin
sa puntong yun, nag-iisip na talaga ako ng dahilan para makaalis dun, nagbagal-bagalan na ako ilabas ung documento, nag-iisip nq ng dahilan para umalis. pagkabigay ko ng marriage cert sabay hirit si ate
GIRL : dalawa to, so 1,400 to
ME : ay naku po, kulang po ang pera ko eh, di bale po wag na lng (nakahanap nq ng dahilan umalis)
GIRL : pwede naman magdownpayment ka na lang…
(hala! DFA may downpayment…kaya echos talaga to )
ME : ay wag n lng po tatawagan ko po muna kapatid ko (sabay alis)
pagkalabas ko sumunod saken si manong, sabay sabi, “ma’am, pwede naman magdownpayment” sabi ko wag na lng…..sabay alis agad…baka kung anu pa gawin saken pag nakipagusap pa ako sa knila…naglakad na lng ako papuntang TUNAY na DFA.
grabe na mga fixers ngaun, may skit na sila huh…pang best actor ang drama, biruin mong umakto talaga silang hndi magkakilala nung una (ung 2 manong) grabe talaga…at ung sa “opisina” na napuntahan ko, marami ring applikante, ibig sabihin mga kasalukuyang biktima na nila yun. kawawa naman, masyado silang naloloko ng mga fixers na un. Kaya mas maigi na maging alerto eh. minsan talaga una ung pagiging tanga pero dapat kaya mo bumawi bago mahuli ang lahat, ang isa pang importante eh dapat talaga may nalalaman ka sa prosesong gagawin mo lalo na kung baguhan. little knowledge is a dangerous thing ika nga.
sa mga magpapaauthenticate/red ribbon ng mga document eto ang TAMANG proseso.
*** ihanda ang mga requirements (kung anung document ang ipapaauthenticate e.g. Birth Cert. from NSO)
*** kung authorized representative ka, need ng authorization letter, photocopy ng applicant’s ID (with signature) at representative’s ID.
*** pumunta sa authentication division ng DFA (roxas blvd, pasay city)
*** kumuha at magfill-up ng form (blue form) at pumila sa processing window
*** ipasa ang requirements..tatanungin ka kung regular or rush (regular - 100 per document, 5 working days / rush - 200 per document, makukuha kinabukasan)
*** magbayad sa cashier window
*** ibigay ang duplicate copy ng resibo sa processing window (note: tandaan anung window number ka nagpasa ng requirements para hndi malito)
*** bumalik sa release date na nakaindicate sa resibo.
mabilis lng ang pili..basta maaga ka….
for more info. sa mga Consular Services ng DFA, visit dfa.gov.ph
side chika #1 : habang nasa jeep napadaan sa isang school na may nagaganap na graduation rites….hays nakakamiss pla ang tunog ng graduation march (in full blast)
Side chika #2 : dahil napaaga ang tapos ko sa DFA, napaisip ako na sumide trip sa divisoria, kala ko malapit lng byahe papuntang divisoria, ubos oras sa trapik, kaya yaon, imbes divi, binondo na lng, at bumili ng favorite kong fried siopao…sabay sakay ng LRT para mabilis byahe papuntang office.
Survivor USA in Caramoan
Grabe favorite talaga ng Survivor ang Caramoan…ilang Survivor franchises na ang nagshoot ng season sa Caramoan CamSur, this time naman ang USA…..love it….it’s more fun in the Philippines

